Normalization process sa BARMM, tuloy-tuloy lang – Pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maganda ang itinatakbo ng normalization process ng Bangsamoro Region, sa ilalim ng ikatlong taon ng Marcos Administration.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na isang magandang indikasyon dito ang pinaghahandaan ng pamahalaan na 2025, elections sa rehiyon.

Isang mahalagang factor aniya ito, para sa pagkakaroon ng tunay na demokrasya sa lugar.

“Nakikita naman natin na gumagana na ngayon iyong Bangsamoro Transition Authority at tuluy-tuloy naman iyong ginagawang mga programa rin ng Bangsamoro. So, sana ay magpatuloy ito, iyong normalization process and in fact, nag-anunsiyo na po ang ating Pangulo na magkakaroon ng election sa BARMM nitong 2025.” —Gen. Brawner.

Sabi ng opisyal, nagpapatuloy ang decommissioning ng pamahalaan sa mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Arked Forces (BIAF), na makakatulong aniya sa darating na halalan.

“Hindi lang po iyong pag-decommission, pati iyong pagdisarma sa kanila, disarmament, ay tuluy-tuloy na rin po. Marami na rin tayong mga nakalap at na-recover na mga firearms galing sa kanila and nakikiusap po tayo sa ating mga kababayan at sa mga kapatid na nasa MILF, lalo na po iyong mga BIAF, irespeto nila iyong ating normalization process nang sa gayon ay pagdating ng eleksiyon ng 2025 ay maging mapayapa ito.” —Gen. Brawner.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us