Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang number coding sa Metro Manila ngayong Miyerkules, July 24, 2024.
Ayon sa MMDA, ito ay dahil sa masamang panahon na dulot ng habagat at bagyong #CarinaPH.
Una rito’y iniulat na rin ng Office of Civil Defense (OCD) na nakataas ang Red Rainfall Warning sa Ilocos Norte, Metro Manila, Cavite, Bataan, Rizal, at Batanes.
Habang nakataas naman ang Orange Rainfall Warning sa Ilocos Sur, Babuyan Group of Islands, La Union, Apayao, Abra, Benguet, Pampanga, Bulacan, Zambales, at Laguna. | ulat ni Jaymark Dagala