OCD, naghanay ng mga aktibidad sa obserbasyon ng ‘National Disaster Resilience Month’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghanay ng serye ng aktibidad ang Office of Civil Defense (OCD) sa obserbasyon ng “National Disaster Resilience Month” na may temang “Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan.”

Ang mga aktibidad ay nakasentro sa Harmonized National Contingency Plan (HNCP) para sa magnitude 7.2 earthquake dulot ng pagkilos ng West Valley Fault.

Magkakaroon ng mga sesyon sa pagpapalitan ng kaalaman tungkol sa HNCP sa July 4, 8, at 12, 2024; na susundan ng simulation exercises sa July 16 at 23.

Sa July 29, isasagawa ang kauna-unahang OCD Rescuelympics, kung saan magkakaroon ng demonstrasyon ng kakayahan ng mga unipormadong serbisyo sa evacuation procedures.

Ang “culminating activity” sa July 31 ay ang “2nd Dangal Bantayog ng Katatagan” awarding Ceremony kung saan pararangalan ang mga natatanging indibidwal na may malaking kontribusyon sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us