Naghatid ng tulong ang OFW party-list sa nga apektadong pamilya at komunidad ng Overseas Filipino Workers.
Pinangunahan ni OFW party-list Representative Marissa Del Mar Magsino ang relief operations kung saan namahagi sila ng essential goods kabilang ang tubig inumin, biscuits at toiletry kits sa Makati, Mandaluyong, Marikina, Quezon City, Caloocan, Manila at Pateros.
Ayon kay Rep, Magsino, plano rin nilang dalhin ang relief distribution sa Bulacan, Laguna at Cavite katuwang ang ilang government agencies.
Pinuri rin ng lady solon ang gobyerno sa kanilang maagap na pagresponde sa mga nasalanta ng bagyo.
Samantala, nananawagan naman ito sa mga OFW sa Taiwan kung saan naroon ngayon si bagyong Carina o Typhoon Gaemi na maging alerto sa gitna ng kalamidad at patuloy na manalangin.
Pinayuhan din ang mga ito na makipag-ugnayan agad sa tanggapan ng Manila Economic ang Cultural Office o MECO at sa Migrant Workers Office kung mangangailangan ng tulong. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: OFW party-list