Binigyang halaga ni OFW Party-list Representative Marissa Del Mar Magsino ang isa sa kanyang legislative efforts—ang Magna Carta for Seafarers, na layong protektahan ang ating mga kababayang seafarer na bumibiyahe sa international waters.
Kabilang ito sa mensahe ni Magsino sa ginanap na ikatlong taong anibersaryo ng Nueva Vizcaya OFW Association.
Umaasa si Magsino na lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naturang panukalang batas matapos itong ipasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Aniya, napapanahon nang magkaroon ng sariling Magna Carta ang Filipino Seafarers ngayong nasa 400,000 sa kanila ang nasa ibayong dagat at nagtatrabaho para sa kanilang pamilya, at nag-aambag hindi lamang sa ekonomiya ng bansa maging sa global economy.
Nanawagan din ng pagkakiasa ang lady solon sa mga OFW kabilang ang mga aktibo at retirado na magtulungan upang isulong ang adbokasiya ng OFW party-list. Samantala, kinilala naman ng Nueva Viscaya OFW association ang pagsisikap ng mambabatas upang isulong ang kapakanan at pagpapaunlad ng mga bayaning Pilipino abroad. | ulat ni Melany Valdoz Reyes