Matapos ang apat na sunod na oil price hike, rollback naman ang inaasahang ipatutupad bukas ng mga kumpanya ng langis.
Ayon sa kumpanyang UniOil, ang diesel ay inaasahang bababa ng ₱0.80 sentimos hanggang piso kada litro.
Habang sa gasolina ay ₱0.50 sentimos hanggang ₱0.70 sentimos ang inaasahang ibababa sa kada litro ng presyo nito.
Ayon naman sa ilang insiders, sa kerosene, posibleng nasa ₱1.10 hanggang ₱1.20 ang roll back.
Ang naturang paggalaw ayon sa Department of Energy (DOE) ay bunsod pa rin ng demand sa pandaigdigang merkado. | ulat ni Mike Rogas