Oil slick mula sa lumubog na MT Terra Nova, umabot na ng Metro Manila — UP MSI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang lalawak pa ang oil slick mula sa lumubog na oil tanker na MT Terra Nova sa karagatang bahagi ng Limay, Bataan.

Sa inilabas na panibagong bulletin ng UP Marine Science Institute, posibleng umabot na rin ngayong araw ang tagas ng langis sa Metro Manila.

Batay yan sa oil spill trajectory model kung saan makikita ang posibleng maging daloy ng langis batay sa umiiral na mga pattern ng panahon at kundisyon.

Ayon sa UP MSI, umabot na kahapon sa ibang bahagi ng Cavite ang tagas ng langis partikular sa:

Noveleta, Rosario, Tanza – 7/29/2024 8:00AM
Naic – 7/29/2024 9:30AM
Ternate – 7/29/2024 1:00PM

Una nang sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonio-Yulo Loyzaga na pinakilos na nito ang Environmental Management Bureau (EMB) para matugunan ang epekto ng oil spill.

May binuo na ring inter-agency task force ang Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mabilis na maaksyunan ang oil spill incident sa Limay, Bataan.

Maging ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay mahigpit na ring nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng oil spill partikular ang potensyal na epekto nito sa marine life at kalusugan ng publiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us