Nag-abiso na ang ilang bangko sa bansa na tuluyan na nilang nai-restore ang kanilang digital channels kasunod ng naganap na global Microsoft outage.
Dahil sa global Microsoft system outage, naapektuhan ang ilang major industries, gaya ng bank, airports at iba pang IT-related businesses.
Sa kanilang facebook kagabi, ipinaalam ng mga ito na fully operational na ang kanilang online banking service at maaari na itong ma-access ng kanilang customers.
Kabilang sa mga bangko na naapektuhan ng Microsoft outage ay ang Banco De Oro, Bank of the Philippines Island, RCBC, Metrobank at Landbank.
Pasado alas-8:00 kagabi nang sunod-sunod ang post ng mga naturang banko upang ipaalam na available na ang kanilang online channels.
Humingi rin sila ng pang-unawa sa mga kliyente dahil sa naranasang delays o bigong pagproseso sa kanilang online transaction. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes