Inanunsyo na ng Light Rail Manila Corporation na balik na sa normal ang operasyon ang biyahe ng LRT 1 mula FPJ Station sa Quezon City hanggang Baclaran Station sa Paranaque at pabalik.
Bandang alas-7:32 ng umaga nang magbalik sa full operation ang buong linya ng LRT 1.
Ito’y matapos ang aberya sa Balintawak Station kagabi hanggang kaninang umaga.
Naging dahilan ito para limitahan ang biyahe ng mga tren mula Monumento hanggang Baclaran Station at pabalik.
Una nang tiniyak ng technical team na tatapusin nila ngayong araw ang “repair works” at maibabalik sa normal ang biyahe ng LRT1 sa linya.
Mula kagabi, suspendido ang biyahe ng LRT 1 mula sa FPJ Station sa Quezon City hanggang sa Monumento Station sa Caloocan at vice versa. | ulat ni Rey Ferrer