Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na limitado lamang ang kanilang mga transaksyon sa kanilang Head Office Building sa Doña Julia Vargas Avenue, Barangay Ugong, Pasig City bukas.
Ito ay dahil idineklara ng Malacañang ang araw na ito bilang special non-working holiday sa Pasig City kaugnay ng pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng lungsod o Araw ng Pasig.
Gayunpaman, tiniyak ng MMDA na patuloy ang pagbibigay ng traffic updates ng kanilang Metrobase at Digital Media Group para sa lagay ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Magpapatuloy rin ang operasyon sa iba pang satellite offices ng MMDA.
Para sa mga katanungan ukol sa trapiko, road assistance, at iba pa, maaari kayong tumawag sa MMDA Hotline 136 o magtungo sa kanilang official social media platforms. | ulat ni Diane Lear