Tumanggap ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng ISO 9001:2015 Certification na siyang itinuturing na ‘International Standard’ sa sistema ng Quality Management at nagsibilbing ‘framework’ ng mga organisasyon at ahensya para matiyak na naibibigay ang pinakamataas na antas ng kalidad ng serbisyo sa mga kliyente at publiko.
Sa isang awarding ceremony sa isang Hotel sa Parañaque City, ngayong araw, July 30, 2024, personal na tinanggap ni OWWA Administrator Arnaldo Ignacio, ang ISO Certification mula sa Certification International Philippines, Inc. (CIP).
Labis na nagpapasalamat si Ignacio sa bawat kawani ng OWWA dahil pagpapanatili ng mataas na kalidad ng serbisyo sa bawat OFW.
Kasabay nito, nangako rin si Ignacio na ipagpapatuloy at hihigitan pa ang pag-aaruga sa mga Overseas Filipino Workers at sa kanilang pamilya upang matiyak na lahat ng kanilang pangangailangan ay naibibigay.
Magpapatuloy rin aniya ang pag-iisip ng OWWA, katulong ang iba pang ahensya ng gobyerno ng mga paraan at proyekto na layunin na mapagaang ang buhay ng mga Pilipinong manggagawa nagtatrabaho sa abroad. | ulat ni Lorenz Tanjoco