Naipamahagi na ng DSWD, sa pamamagitan ng field office nito sa Calabarzon ang P2.49 milyong halaga ng family food packs sa siyam na lokal na pamahalaan sa rehiyon.
Ayon sa pabatid ng tanggapan, ang nasabing food packs ay augmentation support ng DSWD sa disaster response operations ng LGUs para sa mga nasalanta ng Bagyong Carina.
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng DSWD sa local social welfare and development offices, na-monitor nito ang mahigit 13,000 na apektadong pamilya sa 53 LGUs sa Calabarzon kung saan karamihan ay lumikas sa evacuation centers.
Pinakamaraming binuksang evacuation centers sa lalawigan ng Rizal dahil sa malawak na pagbaha.
Tiniyak din ng DSWD ang availability ng standby funds at relief items para ipamahagi sa mga apektadong pamilya, batay sa augmentation request ng kani-kanilang LGUs. | ulat ni Mara Grezula | RP Lucena