P35 dagdag sa minimum wage sa NCR, di sapat para sa mga manggagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagaman isang positibong hakbang ng dagdag na P35 sa minimum wage sa Metro Manila ay hindi ito sasapat para sa araw-araw na gastusin ng mga manggagawa.

Ayon kay Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, isinaalang-alang din ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa pagppasya sa wage hike ang kakayahan ng mga employer.

Sinabi ni Javier na sa mga susunod na dagdag pasahod, dapat ay sapat na para sa mga nagtatrabaho, at “sustainable” o mapapanatili at masusuportahan ng mga employer at nagnenegosyo.

Mas mainam din aniya kung magkakaroon ng regular at napapanahong pagsusuri at pagdagdag sa minimum wage rates.

Pero maliban sa wage increase sinabi ng Trabaho Partylist na marami pang hakbang na kailangang gawin ng gobyerno para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Kamakailan sinabi ng Trabaho Partylist, na hindi dapat nakadepende lamang sa dagdag sahod para matugunan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.

Kinakailangan na madagdagan at mapabuti pa ang non-wage benefits, kagaya ng health insurance, pagbibigay ng regular na training at job upskilling, at pagpapalawig ng paid leaves at flexible working arrangements para sa mga manggagawang higit na nangangailangan nito. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us