Target ng National Housing Authority (NHA) na tapusin ang konstruksyon ng natitirang 465 pang pabahay sa limang project sites sa bayan ng Tulunan, North Cotabato ngayong katapusan ng taon 2024.
Pahayag ito ng NHA kasunod ng pag-turn-over nito sa mga benepisyaryo ng 52 housing units sa Barangay New Caridad.
Ang pabahay ay bahagi ng may 517 permanent housing units na itinayo para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunod-sunod at malalakas na lindol noong taong 2019.
Ang proyekto ay ginawa sa ilalim ng Housing Assistance Program for Calamity Victims o HAPCV ng NHA.
Bawat pabahay ay nagkakahalaga ng ₱289,500 na may kabuuang halaga na ₱149.60 milyon. | ulat ni Rey Ferrer