Pabuya sa ikadarakip ni Quiboloy, kinokonsiderang dagdagan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kino-konsidera ng Philippine National Police (PNP) na dagdagan ang pabuya para sa ikadarakip ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon sinabi ni PNP Public Affairs Office Chief Police Col. Jean Fajardo, na pinag-aaralan ng PNP ang paglalabas ng kanilang sariling “reward,” kung saan kailangan itong dumaan sa tamang proseso alinsunod sa auditing, budgetary rules, at guidelines.

Ito aniya ay matapos na magkaroon ng positibong response ang unang inanunsyong ₱10 milyong pisong pabuya ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr.

Ayon kay Fajardo, iniulat ni Police Regional Office-Davao (PRO-11) Director Brig. Gen. Nicolas Torre III na maraming tumawag sa hotline para magbigay ng impormasyon sa lokasyon ni Quiboloy matapos i-anunsyo ang naturang pabuya.

Sinabi ni Fajardo na masusing bineberipika na ngayon ng PNP ang kanilang natanggap na impormasyon para masiguro na hindi ito bahagi ng pagtatanka ng mga supporter ni Quiboloy na iligaw ang mga awtoridad.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us