Pag-aksyon ng MMDA sa decloging ng mga pumping stations at solution sa basura, ikukunsidera sa budget deliberation ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Romando Artes na agarang nitong aksyunan ang problema ng basura na bumabara sa mga pumping stations upang hindi na maulit pang muli ang malalang pagbaha sa Metro Manila.

Ayon kay Co na vice chair ng House Committee on Health and Appropriations na mahalaga ang effective flood preventions at mitigation efforts ng MMDA at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Aniya karaniwan naman na ang mga basura at “extreme” weather ang contributor sa pagbaha sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ng solon na dapat magsilbing aral sa MMDA ang nangyaring pagbaha dulot ng bagyong Carina at dapat maging handa  at accountable ang ahensya tuwing may kalamidad.

Paalala ng mambabatas, inaasahan nila ang agaran at epektibong resolutions sa mga concerns tuwing may bagyo at matiyak ang kahandaan ng ahensya sa mga susunod na kalamidad bagay na mahalaga sa kanilang pagharap sa budget deliberation para sa taong 2025.  | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

📸: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us