Inatasan na ni House Speaker Martin Romualdez ang liderato ng Kamara at Secretariat officials na tiyakin ang mabilis na pag apruba ng batas na magbibigay ngipin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyan nang ipagbawal ang operasyon ng POGO sa Pilipinas.
Ipinag-utos din ng House leader, na ipagpatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng House Committees on Public Order and Safety at Games and Amusements sa POGO related crimes at matukoy ang mga nasa likod ng iligal na aktibidad na ito.
“Immediately after the SONA of President Marcos, Jr., I met with House leaders and top Secretariat officials last night in my office. I asked them to come up with a proposed legislative measure that will put to a halt all POGO operations in the country effective December 2024 as ordered by the President. This, however, will not stop ongoing House investigation on the criminal and other illegal activities linked to POGO. Hopefully, the House can learn from the hearings— on their modus operandi and the brains behind these activities— as part of inputs for the proposed measure that we will be crafting,” saad ng House leader.
Paliwanag ng House leader, kailangan ng batas para sa anti-POGO drive na kikilalanin hindi lang para sa administrasyong Marcos ngunit sa mga susunod pa.
“Gusto naming maging legacy ito ng Pangulong Marcos, Jr. Sisiguruhin natin na hindi na makakakilos ang mga sindikatong kriminal sa pamamagitan ng POGO at mapapapnagot natin sa batas ang mga mastermind at lider ng mga sindikatong ito,” ani Romualdez
Nais ngayon ng House Speaker na pag isahin sa isang substitute bill ang mga nakahaing panukala at resolution na tinatalakay ng House Committee on Games and Amusement.
Kabilang dito ang House Bill (HB) No. 5082 ni Manila Rep. Bienvenido Abante, Jr.; HB No. 10525 at HR No. 1524 ng Makabayan Bloc; House Resolution (HR) No. 503 ni Rizal Rep. Juan Fidel Nograles, HR No. 1197 ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at ang privilege speech ni OFW Partylist Rep. Marissa Magsino.
“I am requesting all the Committee chairs concerned to give this a priority. For the House Committee on Public Order and Safety to submit their comprehensive report and recommendations to the Committee on Games and Amusement as soon as possible. And for the House Committee on Games and Amusement to come up with a committee report for immediate plenary deliberation,” atas ng House Speaker.
Kailangan aniya na matiyak na hindi mauuwi sa guerilla operation ang mga POGO at magkaroon ng matibay n mga probisyon para maiwasang magbalik ang kriminalidad at iligal na aktibidad na kakabit ng POGO. | ulat ni Kathleen Forbes