Ang pag-apruba sa ₱6.352 trillion 2025 national budget ang magiging prayoridad ng Kamara sa pagbabalik sesyon nito ayon kay Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa lider ng Kamra, maliban sa LEDAC priority measures na napagkasunduan noong ika-limang LEDAC meeting, ay pinaka pagtutuunan nila ng pansin ang pag-talakay at pag-apruba sa panukalang pambansang pondo para sa taong 2025.
Aniya, target nila na mapagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang 2025 general appropriations bill bago ang break sa Setyembre upang mabigya ndin ng sapat na panahon ang Senado na talakayin ito.
Kasabay nito ay tiniyak ni Speaker Romualdez na mabibigyan ng sapat na pomdo ang edukasyon, agrikultura, modernisasyon at welfare programs ng AFP at ang legacy project ng Marcos Jr. administration.
Kasama rin aniya sa sisiguruhin nila na ang pambansang pondo ay makakatulong para maging accessible at mura ang pagkain kasama na angm ga imprastraktura para sa pagpapaunlad at peace and order.
“We have to continue building roads, highways, ports, school buildings, climate change-proof structures, and similar infrastructure to maintain and expand economic growth. Progress has to reach the remotest communities,” sabi ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes