Pag-atras ni US President Biden sa nalalapit na US elections, pagpapakita ng tunay na statesmanship – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinasalamin lamang ng pagbawi ni US President Joe Biden sa kandidatura nito para sa US elections, ang pagiging isang tunay at respetadong political leader nito.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  kasunod ng anunsiyo ni US President Biden na hindi na ito tatakbo sa kanilang halalan sa Nobyembre, kasabay ng pag-endorso kay US Vice President Kamala Harris na pangunahan ang Democartic ticket.

Sa maikling mensahe ni Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat rin ito sa patuloy at walang sawang suporta ng US Leader sa Pilipinas lalo na aniya sa oras ng hamon.

“President Biden’s decision to withdraw from his candidacy is a demonstration of genuine statesmanship.” —Pangulong Marcos

Kasabay nito, nagpaabot ng good luck wish si Pangulong Marcos sa paggampan sa natitirang termino ni Biden, bilang US president, at sa mga hinaharap pa nitong desisyon at plano.

“We thank him for his constant and unwavering support for the Philippines in a delicate and difficult time. We wish him well for the rest of his presidency and for all his future endeavors.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us