Pag-reactive ng voters’ status bago ang 2025 elections, pinadali pa ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinadali pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang proseso para sa mga Pilipino na nais i-reactive ang kanilang status bilang aktibong botante.

Pahayag ito ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco kasunod ng higit limang milyong botante na dini-activate ng komisyon, upang linisin ang listahan ng mga botante,bago ang 2025 elections.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na nag-iisa lamang ang reactivation form para dito na maaaring i-download sa wesbite ng COMELEC at i-print, o hingin sa ano mang tanggapan ng COMELEC.

Ichi-check lamang aniya ang box na nakalagay ay “reactivation” saka isumite sa election officer na nakakasakop sa kanilang lugar.

Maaari rin aniyang isumite ito sa Register Anywhere program ng COMELEC.

Nasa kanilang Facebook page ang listahan ng mga lugar kung saan available ang programa.

Sabi ng opisyal, hindi na hihingan ng panibagong larawan, pirma, o biometrics ang mga botante, lalo’t nasa database na ito ng komisyon.

Kung hindi pa rin aniya uubra ang paraan na ito, maaaring i-email na lamang ang filled up form sa kanilang election officer.

Nasa website naman ng COMELEC ang directory para dito, upang mabigyan sila ng schedule para sa video conference ng kailang panunumpa.

“Makikita po iyong official email address diyan po sa aming website din, nandoon po iyan sa mga directory namin. Pagka-email ninyo po niyan ay i-schedule-an po kayo ng online na… kumbaga po ay online conference po, video conferencing kung saan doon po kayo panunumpain ng aming election officer. Napakadali lang pong magpa-reactivate.” —Laudiangco. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us