Lalo pang bibilis ang paglago ng ekonomiya hindi lang ng Bulacan ngunit maging ng Central Luzon kasunod ng pagiging ganap na batas ng Bulacan Ecozone Law.
Ayon kay Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, isa sa mga may akda ng panukala oras na magsimulang umunlad ang Central Luzon ay makatutulong din ito para ma decongest ang NCR.
“I foresee migration of workers, business locators and airline passengers crowding our main gateway, the Ninoy Aquino International Airport, since there will be a new airport inside the new economic zone,” saad niya.
Kaya naman habang maaga pa lang ay dapat nang paghandaan ng pamahalaang nasyunal at ng Bulacan provincial government ang migration ng mga manggagawa, negosyo at maging airline passengers sa probinsya.
Mahalaga aniya na makapag patayo na ng kinakailangang imprastraktura gaya ng kalsada at health at housing facilitiea.
Ang San Miguel Corp. (SMC) naman ang magpapatayo sa Bulacan international airport at magsisilbing tollroad operator ng ipapatayong expressways patungo sa Bulacan airport na nasaloob ng Bulacan Special Economic Zone and Freeport Authority. | ulat ni Kathleen Forbes