Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad na pagbaba ng presyo ng gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, batay sa monitoring ng DA unti-unti nang tumataas ang suplay ng mga gulay.
Kamakailan nagtaasan ang presyo ng gulay tulad ng kamatis, pechay, ampalaya, sitaw at iba pa.
Bagamat hindi pa mababa sa ngayon ang presyo, na-monitor na ng DA na magmumura na ang mga nabanggit na gulay.
Matatandaang biglang nagtaasan ang presyo ng ilang gulay dahil na rin sa pananalanta ng kalamidad sa ilang lalawigan. | ulat ni Rey Ferrer