Muling umapela si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa COMELEC na ipagbawal na ang paggamit ng artificial intelligence sa pangangampanya sa 2025 mid-term elections.
Ito’y matapos lumabas ang isang ABS-CBN news report video na ginamitan ng deepfake kung saan sinasabi na isang senador ang nangungunang kandidato sa pagkapangulo sa 2028.
Itinanggi naman ng ABS-CBN na mayroong ganitong ulat na lumabas sa isa sa kanilang newscast.
Pawang fake at fabricated lamang anila ang naturang video
“This TikTok video of a supposed ABS-CBN report on the results of a survey on the leading candidates for the 2028 presidential race, but which this network subsequently dismissed as a ‘false and fabricated’ news clip, is one proof for the Comelec to consider banning the use of AI in next year’s election period,” sabi ni Villafuerte
Una nang sinangayunan ni Villafuerte ang plano ni COMELEC Chair George Garcia na ipagpabawal ang pag gamit ng AI sa nalalapitna eleksyon dahil maaari itong magdulot ng “fraudulent misrepresentation” sa mga kandidato. | ulat ni Kathleen Forbes