Itinigil na ang discharge o pagbawas ng tubig sa IPO Dam.
Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, naibaba na sa 100.46 meters ang water elevation sa dam.
Samantala, minimal na rin ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga dam.
Tig-isang gate na lamang na may taas na 3 metro ang bukas sa dalawang dam na patuloy sa pagbabawas ng tubig.
Hanggang alas 8:00 ng umaga nasa 751.38 ang water level ng Ambuklao Dam na mababa na sa normal high-water level na 752 meters.
Habang 574.45 meters naman sa Binga Dam na mababa ng .55 meters sa 575 meters normal high-water level nito. | ulat ni Rey Ferrer