Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng Php29 kada kilo ng bigas sa ilang KADIWA Stores sa Metro Manila kahapon.
Asahan na ring dadalhin ng Department of Agriculture (DA) ang murang bigas sa mga lalawigan.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., magdadagdag ng mga KADIWA Store ang ahensya sa mga susunod na linggo hanggang makaabot ito sa Visayas at Mindanao.
Target itong ibenta sa mga Senior Citizen, PWD, Solo Parents at benepisyaryo ng 4Ps sa abot kayang halaga ng bigas.
Pagtiyak pa ng kalihim ang large scale trials ng murang bigas ay magtutuloy-tuloy sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Maging ang iba pang produkto tulad ng gulay, itlog, at karne na direktang inaangkat sa mga lalawigan para maibenta sa mga mamimili sa murang halaga.| ulat ni Rey Ferrer