Pagbibitiw ng mga opisyal ng DepEd, iginagalang ni incoming Sec. Sonny Angara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginagalang ni incoming Education Secretary Sonny Angara ang ginawang pagbibitiw ng mga opisyal ng Department of Education (DepEd), ilang araw bago siya pormal na maupo sa puwesto.

Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na normal lamang ito lalo na sa isang tanggapan na nagpapalit ng liderato.

Kasunod nito, sinabi ni Angara na kanilang i-aanunsyo ang mga bagong appointment sa sandaling mapagpasyahan na ito.

Una nang sinabi ni outgoing DepEd Spokesperson at Undersecretary Michael Poa na ang kanilang pagbibibitiw ay para bigyang-daan ang bagong liderato ng kagawaran na makapag-appoint ng mga bagong opisyal na kaniyang makakatrabaho. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us