Nasa 4 na ang binuksang Bagong Urgent Care Ambulatory Services (BUCAS) Center ng Department of Health (DOH) Region IX sa Zamboanga Peninsula habang inaasahan naman ang isa pang BUCAS Center na bubuksan sa probinsya ng Sulu.
Ayon kay DOH IX Regional Director Dr. Joshua Brillantes, ang BUCAS Center at pagpapatibay ng kanilang referral system ay iilan sa mga hakbang upang ma-decongest ang mahahabang pila sa mga ospital.
Karamihan aniya sa mga ospital ng pamahalaan ay nagpapatupad na ng No Balance Billing at Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) kung kaya’t karamihan sa mga pasyente ay mas pinipiling pumunta sa mga DOH na ospital na nagreresulta sa mahahabang pila.
Aniya patuloy din nilang pinagtitibay ang mga health center para pwedeng isangguni sa mga ito ang mga may minor na sakit na madaling gamutin habang ang mga nasa ospital na lamang ay ang mga mayroong kumplikadong sakit.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga