Tuloy ang pagbubukas ng klase sa Lunes, July 29 ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, ipinauubaya niya sa mga eskwelahan at local government units ang pagpapasya kung kakayanin ng mga eskwelahang nasira ng Bagyong Carina ang pagbubukas ng klase.
Sa ambush interview sa Pangulo sa San Mateo Rizal, sinabi niyang inatasan niya ang Department of Education (DepEd) na gawin ang lahat upang maisagawa ang opening of classes sa Lunes.
Aniya, batid niya na marami ang mga school facilities na nasira kaya naman nasa pagpapasya na ng mga eskwelahan kung papaano nila maisasagawa ang klase.
Base sa tala ng DepEd, mahigit 200 na mga paaralan ang binaha habang 400 naman ang nagsisilbing evacuation centers. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes