Pagbubukas ng klase sa Marikina City, iniurong sa Aug. 5

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpara sa ibang mga paaralan na nagbukas na ng klase ngayong balik-eskuwela na ang maraming mag-aaral, iba ang sitwasyon sa Marikina City ngayong araw.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, sinabi nito na batay sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) Marikina ay kanila munang iniurong sa August 5 ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ito’y dahil sa nananatiling displaced ang kanilang mga mag-aaral at guro habang gamit pa ring evacuation centers ang ilan sa kanilang mga paaralan.

Partikular na aniya rito ang Nangka Elementary School, Malanday Elementary School, at H. Bautista Elementary School.

Ayon kay Mayor Teodoro, nasa 50 porsyento na ang ginagawa nilang paglilinis sa mga maputik na lugar sa lungsod sa nakalipas na limang araw at kanilang pagsisikapang maisaayos ang mga apektadong eskuwelahan sa susunod na linggo.

Batay sa datos ng Marikina LGU, nasa halos 200,000 residente ng lungsod ang apektado pa rin ng nagdaang kalamidad at kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us