Ibinida ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagkakabuwag ng 89 na New People’s Army (NPA) guerilla front mula 2018 hanggang sa kasalukuyan sa kanilang 1st Semestral Accomplishment Report.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang malaking accomplishment na ito ay naging posible dahil sa “Whole of Nation Approach” laban sa kilusang komunista.
Binigyang-diin ni Torres na ang pagtutulungan ng lahat ng sektor ang naging daan sa pagtatatag ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Nagpasalamat si Usec. Torres kay NTF-ELCAC Vice Chairperson, National Security Adviser Eduardo Año, sa mga Cabinet Officers for Regional Development and Security (CORDS), mga pinuno ng National Clusters, at mga kasamahan sa gobyerno sa kanilang dedikasyon sa layunin ng Task Force.
Sa ngayon ay wala nang aktibong guerilla Front ang NPA at pito na pahinang guerilla front nalang ang natitira. | ulat ni Leo Sarne