Halos patapos na ang paghahanda ng Kamara sa Batasang Pambansa para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22.
Mismong si House Committee on Accounts chair at Tingog Party-list Representative Yedda Marie Romualdez ay ininspeksyon ang preparasyon mula sa holding room na gagamitin ng Pangulo hanggang sa loob ng plenaryo, at maging ang mga function room na gagamitin para sa mga bisita.
Isa sa malaking pagbabago sa gusali ay ang paglalagay ng air condition units sa lobby ng South at North wing.
Sa ikatlong inter-agency meeting na ginanap sa Heroes Hall ng Malacañang noong Martes, sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco na handa na ang Kamara sa gaganaping SONA.
Itinakda naman ang huling pagpupulong para sa SONA preparation sa July 15.
Sa July 19 naman magsisimula ang lockdown sa Batasan Complex. | ulat ni Kathleen Forbes