Paghihigpit sa pagbebenta ng ‘digital night vision rifle scopes,’ ipinag-utos ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng kautusan ang Philippine National Police (PNP) ukol sa paghihigpit sa pagbebenta ng mga “digital night vision rifle scope”.

Ang kautusan ay nakasaad sa joint public/stakeholders advisory na pirmado ni Firearms Explosives Office Officer In Charge Col. Ericson Dilag at Civil Security Group Director, Maj. Gen. Edgar Alan Okubo.

Dito’y inatasan ang mga firearms dealers at importers na limitahan ang pagbebenta ng naturang rifle scope at kahalintulad na kagamitan sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP, at iba pang mga law enforcement agencies lamang. 

Ito’y matapos mapansin na ang accessories na katulad ng night vision rifle scopes ay naibebenta sa merkado nang hindi sumasailalim sa evaluation at classification mula sa FEO Classification Board.

Pangunahing konsiderasyon ng PNP ang posibleng banta sa “public safety” kung ang naturang kagamitan ay mapasakamay ng mga kriminal.

Batay sa abiso, pinapayuhan din ang publiko na huwag bumili  ng naturang kagamitan.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us