Pagkakaroon ng Emergency Response Department, iminumungkahi ni Sen. Cayetano

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihimok ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno na magtatag ng Emergency Response Department (ERD) para palakasin ang katatagan ng bansa laban sa lumalalang banta ng extreme weather events dulot ng climate change.

Ipinanawagan ito ng senador matapos ang naranasang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dulot ng walang tigil na pag-ulan dahil sa habagat at bagyong Carina.

Giit ni Cayetano, panahon na para seryosong tugunan ang new normal ng pagkakaroon ng extreme weather condition sa bansa.

Kaugnay nito, pinunto ni Cayetano ang inihain niyang Senate Bill 66 o ang ERD Act.

Paliwanag ng mambabatas, bagamat nariyan na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), panahon na para magkaroon ng focused, single-minded, at specialized department na tutugon sa mga kalamidad.

Kapag naisabatas, maglilikha rin ang ERD Act ng Humanitarian Emergency Assistance at Disaster Funding na may pondong ₱25-bilyong piso taon-taon.

Layon nitong mabilis na matugunan ang mga hindi inaasahang paggasta na nagmumula sa mga natural na kalamidad. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us