Pagkakaroon ng isang first aider sa bawat tahanan, ipinanawagan ng Red Cross

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga Pilipino na lumahok sa mga pagsasanay kung paano makaliligtas ng buhay gaya ng pagsasagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR).

Ito’y makaraang magbahagi ang Red Cross ng mga life-saving techniques sa isinagawang CPR lecture at demonstration kasabay ng National CPR Day.

Ayon kay PRC Secretary General, Dr. Gwen Pang, malaking bagay ang magkaroon ng isang first aider sa bawat tahanan dahil hindi lamang nito mapagsisilbihan ang kanilang pamilya kundi maging ang kanilang komunidad.

Sa ilalim aniya ng Republic Act 10871, nakasaad na bawat Pilipino ay dapat may kaalaman hinggil sa basic life support training upang maiwasan ang pagkamatay sa isang sitwasyon na maari pa namang maagapan o malunasan.

Kasabay nito, umapila rin ang PRC sa publiko na maging bahagi ng kanilang Red Cross 143 volunteer program upang mapataas pa ang kanilang kaalaman hinggil sa pagtugon sa iba’t ibang emergency. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us