Pagkukumpuni sa mga baku-bakung kalsada, sinimulan na ng DPWH-NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsasagawa na ng pagkukumpuni ang Quick Response Team ng Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) sa mga kalsada na sinira ng baha dulot ng habagat at bagyong Carina. 

Ayon kay DPWH-NCR Director Lorena Malaluan, uunahin nila ang mga lubak-lubak na kalsada upang agad itong madaanan ng mga motorista. 

Mayroon din silang team na nagtatanggal ng mga bara ng kanal upang dumaloy na ang mga baha na hindi pa rin humuhupa.

Samantala, dumepensa naman ang DPWH sa mga basher ng mga flood control project sa NCR. 

Sinabi ni Malaluan, gumagana ang lahat ng mga drainage at pumping station pero dahil sa volume ng mga itinapon na basura sa kanal ay hindi agad humupa ang baha. 

Kaya umaapela din siya sa mga taga-Metro Manila na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang bumilis ang pagdaloy ng mga tubig sa mga kanal, drainage, at ilog.  | ulat ni Mike Rogas

📸: DPWH-NCR

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us