Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglagda ng Pilipinas at Japan sa Reciprocal Access Agreement (RAA).
Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, isa itong welcome development dahil lalo pa nitong mapaiigting ang kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa.
Aniya, makatutulong ang nasabing kasunduan sa pagpapalitan ng kaalaman gayundin sa pagtuklas ng mga bagong kasanayan.
Tiwala si Padilla na malaki ang maiaambag ng Japan sa pagharap ng Pilipinas sa Cyber threats lalo’t kilala ang naturang bansa bilang namumuhay sa kinabukasan.
Partikular na rito ang paggamit ng makabagong teknolohiya ng Japan na siyang mabisang panlaban sa nagbabagong mukha ng cyber domain. | ulat ni Jaymark Dagala