Paglikha ng isang cyber-cell, tinalakay sa isinagawang pagpupulong ng National Joint Peace and Security Coordinating Center

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang bumuo ang security forces ng pamahalaan ng isang “Joint Cyber-Cell” upang malabanan ang mga kumakalat na misinformation at disinformation lalo na sa social media.

Kabilang ito sa mga nilagdaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang pagpupulong ng National Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC) sa Kampo Crame kahapon.

Dito, lumagda rin ng kasunduan ang security forces para paigtingin pa ang pagpapalitan ng impormasyon na bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng bansa.

Dumalo sa nasabing pagpupulong sina AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr; PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, at PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan.

Ayon kay Brawner, sa pamamagitan aniya ng pinagkaisang inisyatibang ito ng tatlong ahensya ng pamahalaan, makatitiyak ang publiko para sa isang ligtas at maunlad na kinabukasan ng Pilipinas.

Nabatid na ang JPSCC ang nasa likod ng pagpaplano at pagpapatupad ng mga operasyong pangseguridad, pagbabantay sa sitwasyon, gayundin ang pagsasanay ng bawat organisasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us