Pinuri ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang ipinakita ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address na pagpapahalaga sa prosesong pangkapayapaan.
Sa isang statement, tinukoy ni Sec. Galvez ang paglalaan ng Pangulo ng 20 talata sa kanyang SONA para sa peace-building efforts ng administrasyon.
Ayon kay Sec. Galvez nauunawaan ng Pangulo ang kahalagahan ng pagsulong ng ganansya ng prosesong pangkapayapaan sa kanyang paghahayag ng determinasyon na lubusang ipatupad ang lahat ng nilagdaang kasunduang pangkapayapaan.
Sinabi ni Galvez na ang tagumpay ng prosesong pangkapayapaan ay hindi magiging posible kung wala ang suporta ng mga mamamayan.
Hinimok naman ni Galvez ang lahat ng mamamayan na gawin ang kanilang papel upang tuluyang mamayani ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa. | ulat ni Leo Sarne