Nilimihatan na ang pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam sa Luzon matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina at habagat.
Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, mula sa anim na gate na binuksan sa Ambuklao Dam, isa na lamang ang iniwang bukas, dalawa sa Binga Dam at isa sa Ipo Dam.
Ngayong umaga, naibaba na ang lebel ng tubig sa Ambuklao dam sa 751.03 meters mula sa 751.40 meters kahapon.
Samantala, may pagtaas pa ang lebel ng tubig sa IPo Dam at Binga Dam kumpara kahapon.
Gayunman, lahat ng lebel ng tubig sa tatlong dam ay mababa na sa normal high-water elevation.
Tumigil na rin ang pag-apaw ng tubig sa La Mesa Dam at napanatili ang lebel ng tubig sa 79.71 meters matapos maabot ang spilling level na 80.16 meters noong kasagsagan ng ulan.
Bahagya namang umangat pa ang tubig sa Angat Dam sa 185.63 meters kumpara sa 184.70 meters kahapon. | ulat ni Rey Ferrer