Pagpapalakas ng Disaster Risk Reduction and Management sa iba’t ibang sektor, ipinag-utos ng OCD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga Regional Office nito na palakasin ang kanilang Disaster Risk Reduction and Management engagement at partnership sa iba’t ibang stakeholder nito.

Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, layon nito na tiyakin ang epektibong pagpapatupad ng mga kasunduan na naka-angkla sa pagtugon sa tuwing sumasapit ang panahon ng sakuna.

Binigyang-diin pa ni Nepomuceno na mahalaga ang mga mababalangkas na kasunduan sa iba’t ibang sektor upang paigtingin ang kanilang hakbang sa mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad.

Patuloy na naghahanap ng oportunidad ang OCD upang mapalawak pa nito ang kanilang partnership at maipakalat ang kanilang mga Disaster Risk Reduction and Management initiative partikular na sa kahandaan sa mga lindol.

Sa katunayan ani Nepomuceno, pinulong na nila ang Philippine Institute of Civil Engineer at Association of Structural Engineers of the Philippines upang maghanap ng iba pang hakbang sa pagpapatatag ng kahandaan sa lindol at iba pang sakuna. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us