Pagpapalakas sa reading comprehension, pagsasa-ayos ng career peogression ilan sa mga hamon na dapat matugunan agad ng bagong DepEd secretary – solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ni House Committee on Basic Education and Culture Chair Roman Romulo ang ilan sa mga hamong hinaharap ng basic education sa bansa na dapat agad tugunan ng bagong talagang Education Secretary Sonny Angara.

Pinakauna aniya dito ang pagpapataas sa functioal literacy lalo na ang reading comprehension.

Kailangan ay mas maging agresibo pa sa pagpapatupad ng MATATAG curriculum upang tunay na maramdaman ang hangad nitong resulta.

“Yung MATATAG curriculum was introduced to address that (reading comprehesion), di ba? After 2022, sinabi nila, babawasan natin ang competencies. Hindi lang competencies ang babawasan, pero pati subjects. Pero itong huling academic calendar, nakita natin na yung implementation ng MATATAG curriculum, medyo much to be desired. Kasi katulad ng ginawa nila, pinilit nila in 35 DepEd schools, we have about 38,000 plus DepEd elementary schools. So, dun pa lamang, kailangan medyo agresibo na yung pag-implement nitong MATATAG curriculum. Because the MATATAG curriculum is supposed to reduce the number of subjects and competencies and it is to address yung functional literacy,” paliwanag ni Romulo.

Panahon na rin aniya na maisaayos ang teacher career progression kung saan magkakaroon ng bagong salary grade at teaching positions gayundin ang pag-alis ng administrative work sa mga responsibilidad ng mga guro.

“Ngayon po, at one point, after a certain level of master teacher, kailangan ka po mag-track papuntang supervisory. Kung hindi, yung salary grade mo hindi aangat na gusto. But under this teacher career progression, doon aangat,” saad ng Pasig representative.

Umaasa din si Romulo na makapagbigay ng angkop na upskilling para sa mga guro upang lalo pang mapaghusay at maging epektibo ang kanilang pagtuturo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us