Pagpapataw ng 1% Withholding Tax sa online sellers/merchants, tuloy na — BIR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinatutupad na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Withholding Tax sa mga online sellers/merchants.

Ito ay sa bisa ng Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 79-2024.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, wala nang extension pa sa unang ipinatupad na 90-araw na extension.

“Electronic Marketplace Operators will begin imposing Withholding Tax against their sellers/merchants starting July 15, 2024. We have already extended this by 90 days. No further extensions will be given,” ani Commissioner Lumagui.

Ayon pa kay Lumagui, layon ng BIR na balansehin ang ipinapataw na buwis ng mga pisikal na tindahan, na regular na sumusunod sa kanilang mga obligasyon sa buwis at mga online marketplace.

Giit nito, kahit na ang kanilang negosyo ay pinapatakbo online o sa pamamagitan ng pisikal na tindahan, ang mga nagbebenta at negosyante ay kailangang magbayad ng kanilang mga buwis.

Kaugnay nito, nilinaw ng BIR na ang inisyu nitong
RMC ay para lamang sa extension ng transitory period para sa digital financial services providers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us