Naniniwala si Education Secretary Sonny Angara na malaki ang maitutulong ng blended learning upang matiyak ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na sa panahon ng mga kalamidad tulad ng pag-ulan at pagbaha.
Sa kaniyang pag-iikot sa mga paaralan ngayong araw, binigyang-diin ni Secretary Angara ang kahalagahan ng pagpapabuti sa blended learning upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante kahit may mga suspensiyon ng klase.
Bukod dito, iminungkahi rin niya ang pagpapatupad ng Saturday classes para sa mga estudyanteng kailangang humabol sa mga aralin.
Ibinalita rin ni Angara na mahigit 800 na mga paaralan ang hindi nakapagsimula ng klase ngayong araw dahil sa epekto ng Bagyong Carina, na nakaapekto sa halos 800,000 mag-aaral.
Gayunpaman, tiniyak ng kalihim na 98% ng mga paaralan sa buong bansa ang matagumpay na nakapagbukas ng klase ngayong araw.| ulat ni Diane Lear