Hinimok ng Department of Foreign Affairs ang publiko na makibahagi sa pagkilala sa legasiya ng kauna unahang Secretary of Foreign Affairs na si Apolinario Mabini.
Ayon sa anunsyo ng DFA pangungunahan ang nasabing event ng historian at professor na si Dr. Ambeth R. Ocampo sa pamamagitan ng isang special lecture na may titulong “Apolinario Mabini: Conscience of the First Republic”.
Gagawin ang nasabing event sa 23 July 2024 mula 3:00 to 5:00 P.M. at maaring mapanood ng live sa official Facebook page ng DFA.
Paliwanag ng DFA bilang unang Foreign Secretary ng bansa, ipinakita ni mabini ang kanyang visionary leadership at steadfast dedication sa national sovereignty. | ulat ni Lorenz Tanjoco