Pagresolba sa mga kaso ng pagpatay sa mga abogado, tiniyak ng bagong NBI Director sa mga opisyal ng Integrated Bar of the Philippines 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Director Jimmy Santiago ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na magiging prayoridad ng kanyang liderato ang pagresolba sa mga kaso ng pagpatay sa mga abogado. 

Ito ang naging commitment ni Santiago matapos ang courtesy call sa kanya ng mga opisyal ng IBP. 

Si Santiago ay isang abogado, piskal at naging huwes bago siya maitalaga ni Pangulong Ferdinand R. Bongbong Marcos Jr. sa NBI. 

Bukod sa paglutas sa kaso ng pagpatay, bibigyan din ng NBI ng seguridad ang mga abogado na may matitinding banta sa buhay dahil sa mga kasong hinahawakan. 

Kanya ring bibigyan ng pansin ang mga nagpapanggap o mga pekeng abogado na kadalasan ay gumagawa ng mga notarial services na nakakalikha sa pagkasira ng dignidad ng mga lehitimong abogado. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us