Hindi dapat nakakapagdulot ng perwisyo sa mga pasahero o sa regular operasyon ng paliparan ang pagsasaayos ng aircon ng NAIA ayon kay Senadora Grace Poe.
Reaksyon ito ng senadora kaugnay ng pag-shutdown ng aircon ng NAIA terminal 3 mula 9pm kagabi hanggang kaninang 9am ng umaga.
Ipinahayag ni Poe ang pagkadismaya na kinakailangang tiisin ng mga pasahero ang init dahil sa pansamantalang pagkawala ng aircon habang isinasaayos o pinapalitan ang cooling tower ng NAIA.
Iginiit ng senadora na hindi dapat ganito ang welcome o pagsalubong sa mga biyaherong gagamit ng paliparan o sa pagdating nila sa Pilipinas.
Kaugnay nito, umaasa si Poe na makakapagbigay ng permanenteng solusyon sa nakakaawang estado ng NAIA ang papasok na consortium na magrerehabilitate sa naturang paliparan at gagawin itong isang wolrd-class airport. | ulat ni Nimfa Asuncion