Bukas si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz na isapubliko ang listahan ng mga iligal na POGO sa bansa
Sa interpelasyon ni 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita sa pagdinig ng Kamara sa POGO related crimes, natanong niya ang opisyal kung sangayon ba siya na dapat isapubliko ang listahan ng 402 iligal na POGO.
Punto ni Bosita, maliban sa mag iingat na ang publiko, ay magiging accountable rin ang mga lokal na pamahalaan at maging kapulisan sa kung bakit may operasyon ng iligal na POGO sa kanilang lugar.
Positibo naman ang sagot dito ni USec. Cruz.
Aniya, higit na mas malaki ang impact ng social cost kaysa sa ambag sa ekonomiya ng mga POGO.
Katunayan sa mga raid aniya na kanilang ginawa ay natuklasan ang human trafficking, torture, prostitution at kidnapping.
Pagbabahagi namam ni PAOCC Spokersperson Winston Casio, may mga POGO hub na nasa 30 lang ang empleyadong idineklara sa OGEL o online gaming employee license, ngunit pag na-raid na ay nasa 300 hanggamg 800 ang kanilang nadaratnan.
Batay sa datos ng PAOCC, mayroong mga POGO sa Luzon, Visayas at Mindanao nungit pinakamarami sa Metro Manila. | ulat ni Kathleen Forbes