Pagsibak sa 19 na Station Commander ng Davao City Police Office, kinumpirma ng liderato ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco Marbil ang pagsibak sa puwesto sa 19 na Station Commander ng Davao City Police Office.

Ayon sa PNP Chief, nag-ugat ang pagsibak sa mga nabanggit na Station Commander sa tinatawag na “discrepancy sa reporting” subalit hindi na siya nagbigay ng detalye hinggil dito.

Samantala, sinabi naman ni Police Regional Office 11 Spokesperson, Police Major Catherine dela Rey na epektibo kahapon ang pagsibak sa 19 na opisyal at sila’y pinalitan ng mga tauhan mula sa Regional Office.

Gayunman, tumanggi rin si Dela Rey na sabihin kung ano ang dahilan ng nasabing hakbang subalit iginiit niya na may kapangyarihan si PRO 11 Director, Police Brig. Gen. Nicolas Torre III na gawin ito sa kaniyang nasasakupan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us