Kabilang sa mga pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay incoming educationg Secretary Sonny Angara para sa pagpapabuti ng education sector ng bansa ay ang aspetong pinansyal para sa mga guro.
Sa media interview sa Sulu, binigyang diin ng pangulo na ang susi sa tagumpay ng anomang programa ng DepEd ay ang teaching personnel.
“The key to any successful program in the DepEd are the teachers. So I said we have to take care of the teachers. Of course, financial, to make sure they can feed their families.” -Pangulong Marcos.
Hindi dapat aniya makalimutan na mayroon ring pamilya ang mga guro, na kailangan nilang alagaan.
Sabi ni Pangulong Marcos, hindi makakapagturo nang maayos ang mga ito, kung wala silang maipakain o naga-alala sila sa kanilang pamilya.
Ito ang dahilan kung bakit dapat aniyang alagaan ang mga guro, maging sa pinansyal na aspeto, at siguruhin na maganda ang kondisyon at kalagayan ng mga ito upang makapag-focus sila sa pagtuturo sa mga maga-aral. | ulat ni Racquel Bayan