Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang Police Security and Protection Group (PSPG) na repasuhin ang kanilang deployment plan.
Ayon sa PNP chief, ito ay para mabigyang prayoridad ang mga indibiduwal na may mataas na bantang pangseguridad batay sa isinagawa nilang comprehensive threat assessment.
Paliwanag ni Marbil, layon nito na matiyak na magiging maayos ang seguridad para sa mas nakararaming Pilipino kung saan, nais niyang maabot ang ideal population ratio na 1:500 mula sa kasalukuyang 1:2000.
Kasunod nito, tiniyak din ng PNP chief na magbibigay pa rin sila ng top-tier security service kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng pag-pullout sa 75 na PSPG personnel na naka-detail dito.
Una rito, may naiwan pa namang 31 tauhan ng PNP sa security detail ng Pangalawang Pangulo na siyang nakatutok sa seguridad nito saan man siya magtungo sa iba’t ibang panig ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala